20 bahay natupok sa napabayaang kandila

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 20 kabahayan ang natupok ng apoy makaraang mapabayaan ang itinirik na kandila para sa isang yumao, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Jose Romero, 57 sa may Abbey Road ng PNR Compound sa Sangandaan makaraang hindi mabantayan ang itinulos na kandila na inialay para sa yumaong mahal sa buhay.

Dahil sa gawa sa mga kahoy ang kabahayan ay mabilis itong nasunog na umabot sa ikalimang alarma at naapula ganap na alas-10:07 ng gabi.

Walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit nagtamo ng paso sa kamay ang bumberong si FO2 Ryan Caincol at maging si Romero.

Show comments