^

Police Metro

7 Vietnamese timbog sa illegal fishing

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng Philippine Navy (PN) gunboat ang 7 Vietnamese matapos na mahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal fishing operation sa karagatan ng Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng mangingisda na sina Trian Brinoe Bao, 34; Nho Xin, 39; Phan Gien Quoc, 38; Dang Quor Hung, 41 ; Le Van Tho, 32 at dalawa pang menor de edad.

Batay sa ulat, bandang alas-8:10 ng gabi  ay nagsasagawa ng maritime seaborne operation  ang Phi­lippine Navy sa pamumuno ni Commander John Montes sa bahagi ng nasabing karagatan nang mahuli sa akto ang isang kulay asul na fishing vessel ng mga Vietna­mese na may body number BD97135TS.

Agad namang inaresto ng Philippine Navy ang nasabing mga Vietnamese na  nahuli sa aktong nangi­ngisda sa nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ).

Nasamsam mula sa mga ito ang mga manta ray, tuna at sharks fin at ang fishing vessel na ginamit ng mga ito at sinampahan na rin ng kasong kriminal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMMANDER JOHN MONTES

DANG QUOR HUNG

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

ILOCOS NORTE

LE VAN THO

NHO XIN

PHAN GIEN QUOC

PHILIPPINE NAVY

TRIAN BRINOE BAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with