Empleyado ng PCG nagbaril

MANILA, Philippines – Isang lalaki na non-uniformed personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasawi nang magbaril sa sarili sa loob ng internal audit office kahapon ng tanghali sa Port Area, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jean Crisologo, 41, may-asawa, residente ng Calachuchi St., Merville Subdivision, Navotas City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng tanghali nang maganap ang pagbaril ng biktima sa sarili sa loob ng locker room ng Internal Audit Office ng PCG Headquarters sa 25th St., Port Area, Maynila.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, habang abala umano ang mga PCG personnel sa loob ng nasabing opisina dahil sa inihahandang pa­nanghalian ay sinabayan umano ng biktima ng panghihiram ng laptop ang nagpupunas ng plato na draftee (katumbas ng police trainee).

Sa halip na kunin lang ang laptop ay pati baril ay kinuha at nagpunta ito sa locker room at kasunod noon ay pu­tok ng baril.

Iniimbestigahan ang may-ari ng kalibre .45 baril na si SNI Dennis Guatlo.

Show comments