^

Police Metro

Bading pinatay ng nobyo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at pinagsasaksak ang isang ba­ding ng dating nobyo sa loob ng kuwarto kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala at saksak sa katawan ay kinilala sa pangalang ‘Papa John’, nasa pagitan ng 30-35 anyos, residente sa no. 44 Dupax St., Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ang dalawang suspek ay dating nobyo ng biktima na nasa edad 18 at isang kasama.

Bago ang krimen, dakong alas-11:30 ng gabi sa ikalimang palapag ng tinutuluyan ng biktima ay narinig ng magkapatid na Rachelle at Rica Deblois, mga anak ng kasera ng biktima ang putok ng baril at kasunod ay yabag ng paa na tila nagmamadali.

Nang sumilip ang dalawa sa bintana ay nakita nila ang nobyo ng biktima na nagmamadaling bumababa ng hagdan.

Nang makalayo ang suspek nagpasya ang magkapatid na silipin ang kuwarto ng biktima at doon nakita ang duguang katawan nito.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa kaliwang dibdib, leeg, at magkabilang braso at dalawang saksak sa dibdib.

Lumalabas na dakong alas-8:00 ng gabi ay nakita pa ang suspek at biktima na may hawak na alak at pumasok sa loob ng kuwarto.

ACIRC

ANG

BIKTIMA

BRGY

DUPAX ST.

LUMALABAS

NANG

OLD BALARA

PAPA JOHN

QUEZON CITY

RICA DEBLOIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with