_pang-masa
^

Police Metro

Patrol car sinuwag: 2 parak utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang dalawang pulis makaraang suwagin ng isang truck ang patrol car na kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Roman Highway, Brgy.Ala-uli, Pilar, Bataan kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO3 Rommald Darondon, 37 at PO1 Sandy Gacutan, 28, pawang nakatalaga sa Bataan Provincial Police Office sa Camp Tolentino sa Balanga City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente sa nasabing highway dakong alas-3:15 ng madaling araw sa nasabing lugar ay sakay ang dalawang pulis sa kanilang patrol car mula sa bayan ng Limay at patungo sa Balanga City.

Dito ay sumulpot ang mabilis na pagdating ng truck na minamaneho ni Demetrio Marasigan, 59 at sa lakas nang pagkakabangga ay halos nayupi ang patrol car na agarang ikinasawi ng mga biktima.

Inaresto ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong kriminal.

ANG BALANGA CITY BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE BATAY BRGY CAMP TOLENTINO DEMETRIO MARASIGAN DITO ROMAN HIGHWAY ROMMALD DARONDON SANDY GACUTAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with