P-Noy hindi na ‘friend’ si Torres
MANILA, Philippines – Dahil sumalungat ito sa Tuwid na Daan ng maugnay umano sa smuggled na asukal na tinangkang ipasok sa bansa na nasabat ng Bureau of Customs ay hindi na itinuturing ni Pangulong Benigno Aquino lll na ‘friend’ si dating LTO chief Virgie Torres.
“The definition of friendship is that, ‘di ba, ito ang landas ko e. Kapag gagawa ka nang salungat sa landas ko, hindi tayo magkaibigan. Kapag i-importahan mo ako na gumawa ng hindi ko kaya or hindi ko nagawa, or ikaw gumawa ng alam mong hindi ko gagawin, hindi na tayo magkaibigan,” wika pa ni Pangulong Aquino sa interview ng ANC kamakalawa.
“But I think what is important there is assuming I have a friend who tried this, there is also another friend in the person of Jess Dellosa who is in charge of that field that assuming it happened, thwarted the thing, there is no damage to the state,” dagdag pa ng Pangulo.
Aminado rin si P-Noy na nalaman na lamang niya ito ng mabasa sa diyaryo sa halip na magmula sa report ng BoC sa kanya at ikinagulat niya ito dahil ang alam lamang niya ay nag-lease si Torres ng lupa sa Hacienda upang maging sugar planter.
Inulit pa ni Pangulong Aquino na hindi niya papayagan ang sinuman niyang kaibigan na gamitin siya sa maling pamamaraan lalo’t lihis ito sa Tuwid na Daan.
- Latest