^

Nag-sori na binaril pa

Mer Layson (Pang-masa) - September 22, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hindi umubra ang sori ng biktimang si Irvin Lachica, 35, manager ng isang restaurant matapos siyang barilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo na nakagitgitan niya sa kalsada habang sakay din ng motorsiklo sa Pasig City kahapon ng umaga.

Sa ulat,dakong alas-6:45 ng umaga sa Ortigas Ave. Brgy. Rosario ay  sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo papasok sa kanyang trabaho nang makagitgitan niya sa kalsada ang suspek na sakay din ng motorsiklo na walang plaka.

Humingi ng sori ang biktima,pero hindi ito tinanggap ng suspek at sa  halip ay kinuha nito ang kanyang baril sa compartment ng motor at binaril ang biktima na tinamaan sa kanang paa.

Mabilis na pinaharurot ng suspek ang motorsiklo para tumakas habang ang biktima ay isinugod naman sa pagamutan ng ilang nakasaksi.

ANG BIKTIMA BRGY HUMINGI IRVIN LACHICA KANYANG MABILIS MOTORSIKLO ORTIGAS AVE PASIG CITY SAKAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with