^

Magnanay dedo sa amok

Arnell Ozaeta, Joy Cantos (Pang-masa) - August 25, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na nanay at anak nitong 7-anyos ang nasawi habang tatlo ang nasugatan matapos na sila ay pagtatagain ng isang lalaki na nag-amok kahapon ng umaga sa bayan ng Sto. Tomas, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ni Senior Superintendent Omega Jireh Fidel, Batangas police director, ang mag-ina na sina Mary Rose Señeres at anak na si  Din-Din, kapwa residente ng Kalye Eres, Barangay San Bartolome na pawang nagtamo ng mga taga sa kanilang mga leeg na halos maputol ito.

Nasugatan naman sina Narciso Evangelista, live in partner ni Señeres; at magkapatid na Ryan Evardone, 32; at Randy Evardone, 38 na pawang nakatira sa nasabing barangay.

Ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Eric Evangelista, 24, utol ni Narciso na nakakulong na sa Sto. Tomas police station.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay patungo ang mag-ina sa bahay ng suspek na naka ­babatang kapatid ni Narciso para doon maligo.

Pagdating doon ay nadatnan ng mag-ina na lasing si Eric at walang kadahila­nan na pagtatagain ng  jungle bolo.

Nagtangkang awatin ni Narciso ang kapatid, subalit maging siya ay tinaga sa leeg at kahit na may tama ay nagawa nitong makatakbo para makaiwas sa taga.

Nang hinahabol ni Eric si Narciso ay nasalubong nito ang magkapatid na Evardone at pinagtataga rin ito.

Kahit na sugatan ang magkapatid na Evardone ay kanilang pinagtulu­ngan na daluhungin ang suspek at nakuha sa kamay nito ang itak na ginamit at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay kinasuhan ng double murder at frustrated murder sa piskalya.

ACIRC ANG ATILDE BARANGAY SAN BARTOLOME BATANGAS ERIC EVANGELISTA EVARDONE KALYE ERES MARY ROSE SE MIMAROPA NARCISO NARCISO EVANGELISTA STO. TOMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with