^

Police Metro

2 opisyal ng immigration inireklamo ng ‘extortion’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang 41-anyos na liaison officer ng pribadong kompanya laban sa dalawang opisyal ng Bureau of Immigration na bumitbit sa kaniya at nangotong ng P50,000 noong Huwebes (Agosto 13).

Ayon sa complainant na si Nilo Mendiola, liaison officer ng Wayfair Tours na kaya siya naghain ng reklamo sa pulisya ay dahil sa pangambang muli siyang arestuhin at hingan pa ng kakulangang P190,000 kahit wala umano siyang partisipasyon sa reklamo ng isang Koreano na si Park Dae Dong.

Sa salaysay ni Mendiola, lumilitaw na noong Agosto 13 ng hapon nang dalhin siya ng mga suspek sa Civil Security Unit office ng BI kaugnay sa reklamo ng nabanggit na dayuhan na kinunan ng P.2 milyon ng isang alyas Gaudencio Aquino  para sa pagproseso ng visa.

Sa kabila umano ng pagtanggi na wala siyang kinalaman sa transaksiyon ng dayuhan at ni Aquino ay sinabihan siya na makukulong kung hindi magbabayad ng P.1 milyon.

Noon pa umanong Abril 3, 2014 ang reklamo ni Park laban kay Aquino at wala siyang partisipasyon at katunayan ay nakapag-renew na siya  accreditation permit hanggang Hunyo 30, 2016 dahil wala siyang kinasasangkutang reklamo.

Sa takot na makulong ay nagbigay si Mendiola ng P50,000 at may hinihingi pa umano sa kaniyang P100,000 na dapat ay ibinigay niya noong Agosto 2 at karagdagang P90,000 naman sa darating na Setyembre 3.

Isasampa na ang kasong robbery extortion sa Manila Prosecutor’s Office nina SPO2 James Poso at PO2 randolf Pellasco laban kina Perpetuo Macasa Jr., investigator ng Civil Security Unit ng BI; Tootsie Magcalas, deputy supervisor ng  head operations  ng BI; at sa banyagang si Park Dae Dong.

 

AGOSTO

AQUINO

BUREAU OF IMMIGRATION

CIVIL SECURITY UNIT

GAUDENCIO AQUINO

JAMES POSO

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MANILA PROSECUTOR

MENDIOLA

NBSP

PARK DAE DONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with