_pang-masa
^

Nambu-bully ng bata, tinodas

Doris Franche-Borja (Pang-masa) - August 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 49-anyos na lalaki na si Jesus Reyes matapos na saksakin ito ng kanyang bayaw na hindi matiis ang ginagawang pananakit sa kanyang anak kamakalawa sa Paco, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ramil Banta, 36, kasamang nakatira sa bahay ng biktima na matatagpuan sa 1268 Int. 1 Burgos St. Paco.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas- 3:15 ng hapon sa loob ng bahay ay nakita ng saksing si Michelle Cerezo narinig niyang sinisigawan ng suspek ang biktima at nagbitiw ng mga salitang matagal na itong nagti­timpi dahil sa ginagawa umanong pambu-bully ng biktima sa kanyang anak sa tuwing ito ay malalasing.

Ilang sandali ay bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng dalawang saksak ang biktima.

ACIRC ANG BATAY BIKTIMA BURGOS ST. PACO ILANG JESUS REYES MAYNILA MICHELLE CEREZO PINAGHAHANAP RAMIL BANTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with