26 nalason sa palabok

Joy Cantos (Pang-masa) - August 4, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nadala sa pagamutan ang 26 katao matapos umanong malason sa kinaing palabok kamakalawa sa Ligao City, Albay.

Kabilang sa mga nalason ay mula sa pamilya Revidad, Sacobon at Roncales; pawang residente ng  Brgy. Tuburan at Paclibar at ang pamilya Tagle, residente naman ng Brgy. Layon; pawang ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-4:00 ng hapon ay bumili ng palabok ang mga biktima sa AC Pancit Malabon sa Mc Kinley St., Ligay City.

Matapos ang ilang oras na ito ay makain dumaing nang matinding pananakit ng tiyan, ulo, pagsusuka at pagtatae ang mga biktima kaya’t agad na isinugod sa pagamutan.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga manggagamot, acute gastrointeritis ang nakitang sanhi ng pagkakaratay sa pagamutan ng mga biktima.

Sinuri naman ng mga health officials ang sample ng palabok upang mabatid kung may kinalaman  ito sa pagkalason.

ALBAY ANG AYON BRGY KABILANG LAYON LIGAO CITY LIGAY CITY MATAPOS MC KINLEY ST. PANCIT MALABON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with