Batang makulit tinarakan sa dibdib

MANILA, Philippines - Ang kakulitan umano ng isang 9-anyos na batang lalaki ang naging dahilan ng kanyang kamatayan matapos na saksakin sa dibdib ng isang napikon na lending collector kamakalawa sa Valencia City, Bukidnon.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Christian Dave Carmen, Grade IV sa Laligan Elementary School ng nasabing lungsod.

Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Ian Tolin, 25, may-asawa, collector ng Ramirez Lending Finance Services at residente rin sa lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen, bandang alas-7:10 ng gabi sa Purok 5, Laligan sa lungsod na ito ay nairita ang suspek sa sobrang kakulitan ng bata sa pinaggagawa umano sa kanya kung kaya’t napikon ito at tinarakan nang saksak sa dibdib.

Show comments