_pang-masa
^

Boto mahahati sa Roxas vs Poe

Joy Cantos (Pang-masa) - July 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Kapag tumakbo rin sa pampanguluhan si Senadora Grace Poe at kalabanin si  Interior and Local Government Secretary Mar Roxas  sa 2016 national elections ay mahahati umano ang boto ng  mga botanteng Pinoy.

Ito ang pangamba na inihayag kahapon ni Transportation and Communications Secretary at Liberal Party (LP) President Emilio Joseph Abaya sa ambush interview sa pagdalo nito sa metrowide earthquake drill sa Camp Aguinaldo.

Si Roxas ay inaasahang iindorso ngayong araw ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III bilang presidential bet ng ruling Liberal Party sa gaganaping se­remonya sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Una nang ibinulgar ni Albay Governor Joey Salceda sa kaniyang facebook account na si Roxas ang nahirang ng LP para iindorsong kandidato sa presidential elections.

Sinabi ni Abaya na umaasa ang kanilang partido na gagabayan ng  Banal na Espiritu Santo si Poe para mahimok itong tumakbo na lamang bise presidente ni Roxas sa ilalim ng kanilang partido.

Anya, bukas na bukas ang pintuan ng LP para kay Poe bilang running mate ni Roxas  para sa pagpapatuloy pa ng daang matuwid ng administrasyon.

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA CAMP AGUINALDO CLUB FILIPINO ESPIRITU SANTO INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS LIBERAL PARTY PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO PRESIDENT EMILIO JOSEPH ABAYA ROXAS SAN JUAN SENADORA GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with