Lover na lolo nairita... ginang tumanggi sa sex, pinagtataga

MANILA, Philippines – Isang 49-anyos na ginang ang nasa kritikal na kondis­yon matapos na siya ay pagtatagain ng kanyang 79-anyos na lover na nai­rita dahil sa pagtanggi nito na makipag-sex naganap kamakalawa saBrgy. Banaoang, Calasiao, Pangasinan.

Ang biktima ay kinilalang si Carmelita Carbonell, biyuda, na nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa Dagupan City dahil sa tinamong mga taga sa ulo.

Naaresto naman ang suspek na si Rogelio Molina, residente ng Brgy. Bolosan, Dagupan City na nakatakdang kasuhan ng frustrated homicide.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang ginang sa kaniyang tahanan sa nasabing lugar nang dumating ang suspek na noon ay lasing.

Ginising ng suspek ang biktima at niyaya nitong mag-sex, su­balit dahil sa pagod ang biktima ay tumanggi ito.

Nairita ang suspek at hinugot sa kaluban ang kaniyang itak at pinagtataga sa ulo ang ginang na nagawa namang makahingi ng saklolo sa mga kaanak at naaresto ang suspek.

Nakakulong na ang suspek na sising-sisi sa kanyang nagawa at ikinatuwiran na lasing siya at wala umano sa katinuan.

Show comments