Mister lalayasan ng misis nagbaril sa bibig

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 38-anyos na mister matapos itong magbaril sa bibig sa harap ng kanyang misis kamakalawa sa Brgy. Real 2, Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Ritche Aguas, jobless, ng #561 Jasmin St., Luzville Subdivision, ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ay katabi ng biktima at nag-uusap sila ng misis nitong si Jihan Villanueva hinggil sa problema sa kanilang relasyon   nang mauwi sa pagtatalo at nakapagsalita ang ginang na makikipaghiwalay sa una.

Hindi pumayag ang biktima, subalit nakapagde­sisyon na ang misis kung kaya’t kinuha ng una ang baril na ipinasok sa bibig at kinalabit hanggang sa pumutok.

Natutula ang misis sa biglaang pangyayari na hindi sukat akalain na tototohanin nito ang banta ng mister.- Cristina Timbang-

 

Show comments