Jeep swak sa bangin: 1 todas, 15 sugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang katao habang 15 ang nasugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang kanilang sinasak­yang pampasaherong jeepney kamakalawa sa kahabaan ng Mahar­lika highway ng Brgy. Salvacion, Magallanes, Sorsogon.

Namatay noon din ang biktimang si Edmundo Homo, nasa hustong gulang ng Brgy. Pawik, Magallanes nang maipit ang katawan nito.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Dimingita Homo, 69; Amy Antonio, 44;  Kolando Hilit, 64; Marilyn Dollentes, 49; Bartolome Abano, 46; Ma. Theresa Abano, 44; Elenna Jao, 71; Rowena Felicidario, 44; Rosalie Bea, 18; Leonardo Palangca, 50; Gloria Non, 58; Bernito Handig, 34; Leonardo Gonza Jr., 32  at Adelfa Gonza, 58.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas ang pampasaherong jeepney (EAR-963) na minamaneho ni Teofilo Despabeladera, 44  nang mawalan ng kontrol sa manibela pagsapit sa pa­kurbadang bahagi dahilan para mahulog sa bangin sa lugar na ikinasawi ni Homo.- Joy Cantos

 

Show comments