^

Police Metro

3 paslit natupok sa sunog

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong batang paslit ang naiulat na nasawi sa magkahiwalay na sunog sa Caloocan City at Naga City, Camarines Sur kahapon.

Sa Caloocan City ay halos hindi na makilala ang bangkay ng magka­patid na sina Gabriella, 7; at  Danny Castro, 2 nang matagpuan ang kanilang labi sa kanilang  kuwarto.

Batay sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang sumiklab  ang apoy sa  isang residential building na pag-aari ni Eusebio Castro, 49, na matatagpuan sa Block 17, Maryhomes Lot 34 Diamond St., II, Camarin, Barangay 172 ng nasabing lungsod.

Ang apoy ay nagsi­mula sa sala  na kung saan si Gabriella pa ang nanggising sa kuya nitong si Johnroy, 10 at kapatid na si George, 4, na nagawang makatalon sa bintana at naiwan ang dalawang kapatid.

Nabatid na pansa­mantalang iniwan ng magulang ang magkakapatid nang maganap ang sunog.

Samantala, sa Brgy.Mabulo, Naga City, Camarines Sur ay halos hindi rin makilala nang matagpuan ang sunog na katawan ng isang 3-an­yos na batang babae na si Caszofphia Bermundo na nakulong sa nasusunog nilang bahay sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-7:41 ng umaga nang maganap ang sunog sa bahay ni Victor Aspe at Marivic Tan sa Brgy. Mabulo ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa kisame ng tahanan ng mga ito na mabilis na kumalat sa buong kabahayan.

Nabigo nang mai­ligtas ang bata dahilan sa nababalutan na ng  apoy ang buong kabaha­yan  ng naturang pamilya.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

CAMARINES SUR

CASZOFPHIA BERMUNDO

DANNY CASTRO

DIAMOND ST.

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with