^

Police Metro

Caretaker ng sementeryo tinodas sa ibabaw ng nitso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mismong ibabaw ng nitso natagpuan ang bangkay ng caretaker ng sementeryo sa Brgy. Boboy Agno, Pangasinan.

Halos matagpas ang ulo ng biktima na kinilalang si Jessie Neypes, 39, binata at caretaker sa Agno Memorial cemetery.

Agad nadakip ang suspek na si Rodney Rex Rico, 38, at residente rin sa lugar.

Batay sa ulat, bago ang krimen ay nag-iinuman ang biktima at suspek sa ibabaw ng nitso at nang kapwa malasing ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Sa kainitan ng pag-aaway ay bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang biktima nang sunud-sunod sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga otoridad kung may katotohanan ang pahayag ng mga kamag-anak ng suspek na may diperensya ito sa pag-iisip.

AGNO MEMORIAL

BATAY

BIKTIMA

BOBOY AGNO

BRGY

JESSIE NEYPES

KASALUKUYAN

PANGASINAN

RODNEY REX RICO

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with