Sekyu dinedo ng kabaro

MANILA, Philippines - Sa mismong binabantayan na establisyimento nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang security na nauwi sa pagkasawi nang isa matapos na saksakin na naganap kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawi batay sa nakuhang ID sa kanyang katawan ay kinilalang si Reynaldo Valdez, 49, may-asawa ng Banahaw St., Amparo Subdivision, Caloocan City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakinlanlan ng suspek na agad tumakas.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling araw sa ground floor ng NSN Building na matatagpuan sa Susano Road, Nova Proper, Novaliches ay nakita ng mga tao sa lugar na nagtatalo at nagmumurahan ang dalawa ukol sa kanilang trabaho hanggang sa nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima na agad nitong ikinasawi.

 

Show comments