Mag-asawang top NPA official, nadakip

MANILA, Philippines - Isang mag-asawang kapwa mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang naaresto sa isinagawang operasyon sa Brgy. Sinaragan, Matanao, Davao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Major Gen. Eduardo Año, Commander ng Army’s 10th Infantry Division (ID) ang mga nasakoteng suspek na sina  Ramil Mortejo, gumagamit ng mga alyas na Ka Nestor at Angkol at Jasmine Badilla, alyas Ka Antali.

Nabatid na si Mortejo ay tumatayong Commanding Officer ng Samahang Regional Guerilla Unit sa Southern Mindanao Regional Command ng NPA habang si Badilla naman ay siyang pinuno ng Regional Medical Staff.

Sina  Mortejo at Badilla ay nasakote ng mga sundalo sa pakikipagkoordinasyon sa pulisya sa raid sa Brgy.Sinaragan, Matanao ng lalawigan bandang alas-3:20 ng hapon. - Joy Cantos-

 

Show comments