Bangladeshi tigok sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang Bangladesh national nang tambangan ng riding in tandem suspek habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Kamias Road, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang biktimang dead-on-the-spot ay kinilalang si Anizur Raman, 48, dahil sa mga tama ng bala sa batok at sentido. Mabilis naman na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Ang insidente ay naganap dakong alas-11 ng umaga sa nasabing lugar ng Kamias Road, kanto ng Kasing-kasing St., Brgy. West Kamias sa lungsod, kung saan huminto ang biktima dahil sa stop light.

Mula dito, biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima. Sinasabing nakatakbo pa ang biktima ngunit bumangga sa isa pang sasakyan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa nasabing insidente.

Show comments