Anak utas sa taga ng ama

MANILA, Philippines - Sa mismong araw ng Bagong Taon ay napatay ng isang ama ang lasing nitong anak matapos ang isang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Zone 1, Brgy. Salvacion, Tigaon, Camarines Sur.

Ang nasawi dahil sa tinamong taga sa leeg ay kinilalang si Ryan Sta. Maria, 21. Habang ang  suspek na ama nito na si Efren Sta. Maria, 57 anyos kapwa residente ng nasabing lugar ay tumakas.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga barkada sa harap ng bahay ay pinagsabihan ito ng ama na tumigil na.

Hindi nagustuhan ng biktima ang paninita ng ama hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at dito ay kinuha ng huli ang itak at pinagtataga ang una. - Francis Elevado -

 

Show comments