^

2 utas sa parak na hinoldap

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - December 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang holdaper ang nasawi nang pagbarilin sila ng isang miyembro ng Police Security and Protection Group sa Camp Crame na kanilang hinoldap kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasawi ang mga suspek na  kinilalang sina Ruvic Rodil at Claro Huit Jr., kapwa 25-anyos at residente sa San Jose Del Monte, Bulacan nang barilin sila ni SPO4 Alejandro Parta, 51, na nasugatan din sa mga saksak.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng Broadway St, kanto ng 14th St., Brgy. Mariana ay katatapos lamang mag-withdraw ng pera ang biktima sa ATM machine sa 14th St.

Habang naglalakad ay sumulpot sa kanyang likuran ang dalawang suspek na kapwa  armado ng patalim sabay nagdeklara ng holdap.

Hinablot ng isa sa mga suspek ang dalang sling bag ni SPO4 Parta na naglalaman ng halagang P2,000, mga IDs at iba pang gamit.

Subalit, nanlaban ang biktima hanggang sa undayan siya ng mga saksak ng mga suspek at kahit sugatan ay nagawang nitong bunutin ang baril ang biktima at pinaputukan ang mga huli na agad na ikinamatay ng mga ito.

Humingi ng tulong si SPO4 Parta sa security guard na nagbabantay sa isang restaurant na tumawag ng taxi para maidala sa St. Lukes Medical Center.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre 45 baril.

ALEJANDRO PARTA BROADWAY ST CAMP CRAME CLARO HUIT JR. PARTA POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP QUEZON CITY RUVIC RODIL SAN JOSE DEL MONTE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with