Pauwi galing sa simbang gabi... Troso bagsak, nene pisak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 12-anyos na batang babae makaraang mabagsakan ng troso mula sa isang rumaragasang truck habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jassy Faye Baltazar Jumamil, residente ng Brgy. Limuan ng bayang ito.

Batay sa ulat, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa tabi ng highway  pauwi na sa kanilang bahay mula sa pagsimbang gabi  nang dumaan ang isang truck na may kargang mga troso.

Aksidenteng nagbagsakan ang mga troso na tumama sa ulo ng biktima at sa tindi ng pagkakatama  ay nabuwal at hinimatay ang biktima.

Sa halip na tulungan ang biktima ay mabilis na pinaharurot ng driver ang kanyang truck.

 

Show comments