^

Police Metro

Pagbuhay sa kaso ng pagkamatay ng lover ni Mercado balak ng NBI

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para sa posibleng pagbuhay sa  kaso ng misteryosong pagkamatay noong 2002 ni Raquel Ambrosio, anak ng nasirang komedyanteng si Babalu at naging live-in partner ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ay ipinag-utos na ni NBI Director Virgilio Mendez na halungkatin ang kaso nito matapos na muling maungkat sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Senado ukol sa overpriced building sa Makati kung saan si Mercado ang isa sa resource person.

Subalit, hindi mahanap ng mga tauhan ng NBI  at Makati police ang case folder sa pagkamatay ni Ambrosio sa tanggapan ng Death Investigation Division ng nasabing ahensiya.

Maging ang Makati police sa pangunguna ng hepe na si Sr. Supt. Ernesto Barlam ay wala ring mahanap na record kaya nag-utos din sa kanyang mga tauhan na hanapin ang nasabing record.

Ayon kay Barlam matagal ng retirado ang hepe ng Makati Police na si (ret) Col. Jovito Gutierrez noong namatay si Ambrosio at ang imbestigador na si dating PO2 at ngayon ay Chief Insp. Juancho Ibis ay matagal na rin nakatalaga sa Bicol region.

Matatandaan na naging kwestiyunable noon ang pagkamatay ni Ambrosio noong Abril 24, 2002 sa loob ng condominium unit na pag-aari ni Mercado.

Sa record ay isang tama ng bala ng baril sa tiyan ang ikinamatay ni Ambrosio na hindi pangkaraniwan sa mga nagpapakamatay na kadalasang sa ulo partikular sa sentido o bibig nagbabaril ang mga taong nais mag-suicide.

Sa inisyal na ulat noon, inamin ng mga imbestigador na hindi na nila naimbestigahan ang crime scene dahil nalinis na ang lugar nang duma­ting sila sa pinangyarihan ng insidente at wala na rin ang baril na ginamit at isinurender lamang ito sa pulisya ng tauhan ni Mercado dalawang araw matapos ang insidente.

Pinagbasehan lamang ng pulisya noon ang pahayag ni Mercado na noon ay Vice Mayor ng Makati na nagpakamatay ang kanyang kinakasama matapos umano silang magtalo sa kung sino ang maninirahan sa kanilang resort sa Bataan.

AMBROSIO

CHIEF INSP

DEATH INVESTIGATION DIVISION

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

ERNESTO BARLAM

JOVITO GUTIERREZ

JUANCHO IBIS

MAKATI

MAKATI POLICE

MERCADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with