Pulis,1 pa na hit and run
Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla (Pang-masa) - November 19, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi kabilang ang isang pulis matapos na ma-hit and run sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Makati City.

Kinilala ang nasawing si PO3 Juanito Luardo, nakatalaga sa District Headquarters Support Unit ng Camp Crame at residente ng Phase 4, Package 1, Block 4, Exist Lot, Bagong Silang, Caloocan City.

Hindi pa kilala ang tumakas na driver ng nakabangga Mitsubishi Fuso truck (RBR-365) na nakarehistro sa Chuabenco Resources Inc. na matatagpuan sa 2588 Beata St., Pandacan, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi sa kahabaan ng Congressional Avenue malapit sa harap ng Violago Homes sa Phase 1, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City ay kapwa binaybay ni PO3 Luardo na minamaneho ang kanyang Kawasaki Barako motorcycle (6142-UU) at truck ng suspek ang Congressional Avenue, mula sa direksyon ng Visayas Avenue, patungong Tandang Sora Avenue.

Nahagip ang biktima ng trak ng suspek na nagresulta kaya’t bumagsak ito at nasagasaan ng unahang kanang gulong ng truck na agad nitong ikinasawi at hindi tumigil ang truck.

Namatay noon din ang biktimang si Jeffrey Montinola Galang, 27, ng 1868 Eureka St., Barangay La Paz, Makati City matapos na ito ay masagasaan at takasan ng hindi pa malamang sasakyan kahapon ng alas-2:05 ng madaling-araw sa kanto ng Filmore St., at Gil Puyat Avenue, Brgy. Palanan.

Nabatid papatawid ang biktima sa naturang lugar ay hindi nito nakita ang mabilis na pagdating ng isang sasakyan kaya’t nasalpok ito.

BAGONG SILANG BARANGAY LA PAZ BEATA ST. BRGY CALOOCAN CITY CAMP CRAME CHUABENCO RESOURCES INC CONGRESSIONAL AVENUE MAKATI CITY QUEZON CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with