Checker napisak ng trailer truck

MANILA, Philippines - Nagmistulang giniling ang katawan ng isang 58-anyos na checker matapos na ito ay magulungan ng umaatras na trailer truck at maipit  pa sa nakahimpil na chasis kamakalawa ng  gabi sa loob ng North   Harbor, Tondo Maynila.

Namatay noon din ang  biktimang si Loreto Mintalar, ng Block 11, Lot 26, Brgy. San Jose GMA, Cavite.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng trailer truck na si Carmelito Palomares, 43.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-10:20 ng gabi sa Slip 3, Pier 2, North Harbor, Tondo ay kasalukuyang nagsasagawa ng pagbi­bilang ang biktima sa nakabukas na container van nang aksidenteng maatrasan ng chasis mula sa  minamanehong truck head (YT11) ni Palomares at naipit ang katawan nito sa isa pang nakaparadang chasis na kinakargahan ng iba pang mga cargo.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Palomares.

Show comments