^

2 sundalo niratrat ng Muslim rebels sa ospital

Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - October 24, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ang dalawang sundalo na nagbabantay sa bagong gawang Integrated Provincial Health Office, Barangay Limpongo, Datu Hoffer, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso na itinanggi muna nilang pangalanan ang dalawang sundalong nasawi dahil sa ipapaalam muna nila ito sa pamilya ang nangyari.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay nakatayo ang mga sundalo sa pinto ng emergency room nang dumating ang pitong rebeldeng Muslim na nagkunwaring kaanak ng mga may sakit na pasyente at agad pinagbabaril ang mga ito.

Nang bumagsak ang mga sundalo ay kinuha sa kanila ng mga suspek ang dalang armas na M-14 at M-16 automatic rifles at mabilis na nagsipagtakas.

 

AYON BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER BARANGAY LIMPONGO BATAY DATU HOFFER DICKSON HERMOSO INFANTRY DIVISION INTEGRATED PROVINCIAL HEALTH OFFICE MAGUINDANAO NANG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with