Lolo sinunog ang sarili

MANILA, Philippines – Dahil sa dinaranas na “nervous breakdown” ay nagpakamatay ang isang 68-anyos na lolo sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Rizal, Sominot, Zamboanga del Sur.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Nemesio Albaira, na halos nasunog ang kalahating bahagi ng katawan.

Habang naabo ang bahay nito dahil gawa sa mahinang uri ng materyales.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Virginia Albaira, 57-anyos na bago nangyari ang pagsunog ng mister sa sarili dakong alas-9:00 ng umaga ay nagpaalam siya rito na magtutungo sa kabayanan upang mag-withdraw ng pera mula sa 4 P’s na programa ng DSWD.

Nagbiro ang biktima kay Virginia na magpapakamatay na at ayaw na siya ay madamay.

Hindi ito pinansin ng ginang, subalit nang umuwi ito ng bahay ay nakita na abo na ang kanilang bahay at patay na ang mister.

Show comments