Abortionist tugis… 6 fetus itinapon sa Caloocan
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - September 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pilit na tinutukoy  ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang “abortio­nist” sa Caloocan City makaraang anim na fetus ang matagpuan sa ibabaw ng bubong ng isang tricycle, kahapon ng umaga.

 Nabatid mula sa pulisya na dakong alas-11 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag buhat sa mga residente sa pagkakatagpo sa naturang mga fetus sa Purok 5 Kawal, Brgy. 28, Dagat-dagatan, sa naturang lungsod.

Nakita nila ang mga fetus na inilagay sa isang kahon sa ibabaw ng isang tricycle. Wala namang makuhang testigo ang pulisya sa mga residente na maaaring nakakita sa nagtapon ng mga fetus.

 Malaki ngayon ang paniniwala ng pulisya na may abortionist na nag-o-operate sa barangay at ito ang nagtapon ng mga fetus. Nakikipag-ugnayan ngayon ang pulisya sa mga opisyal ng barangay upang mas lalong maimbes­tigahan ang insidente.

BRGY CALOOCAN CITY DAGAT KAWAL MALAKI NABATID NAKIKIPAG NAKITA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with