^

Police Metro

Cedric, Deniece lalaya na

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makakalabas na sa kanilang kulungan sina  Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz matapos na katigan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 172 ang hirit nilang makapagpiyansa  hinggil sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanila ng TV host at actor na si  Vhong Navarro.

Kinumpirma ng abogado ni Cornejo na si Atty. Sal Panelo ang naging desisyon ng korte, na pinaalam din aniya ito sa kanila ng abogado nina Lee at Raz na si Atty. Connie Aquino.

Ang piyansa ng bawat isa ay umaabot sa P500,000.00.

Inamin naman ng abogado ni Navarro na si Atty. Alma Malonga na masama ang kanilang loob sa desisyon ng korte at wala pa rin silang natatanggap na kopya ng resolusyon.

Nakatakda naman silang maghain ng motion for reconsideration sakaling makumpirma ang desisyon ng korte at matanggap na nila ang resolution nito.

Ang grupo nina Lee at Cornejo ay kinasuhan ng serious illegal detention  matapos nilang pagtulungang gulpihin si Navarro noong E­nero 23, 2014.

 

vuukle comment

ALMA MALONGA

CEDRIC LEE

CONNIE AQUINO

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

NAVARRO

SAL PANELO

SIMEON RAZ

TAGUIG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with