^

Police Metro

Bangkay naka-package… bebot na asset binigti

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay at nakasilid pa sa basurahan ang isang di  pa kilalang babae sa Delpan Bridge, Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang  biktima ay nasa edad na 20- 25, may taas na 5’2, mahaba at blonde ang kulay ng buhok, nakasuot ng pink na polo shirt, shorts na brown.

Sa ibabaw ng kaniyang bangkay ay may nakalagay na placard na “Babala  Huwag akong tularan Asit ako”, na ang spelling sana sa ‘asit’ay ‘asset’.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, ang labi ng babae ay nakabalot, pa sa isang malong na may kumbinasyong dilaw at asul ang kulay na nakasilid sa itim na garbage box at ipinasok pa sa isang kahon.

Ang bangkay ay nakitang napupuluputan ng alambre ang leeg na ipi­nambigti sa kanya, napupuluputan din ang mga paa ng packaging tape, habang ang mukha nito ay nakakitaan ng dugong umaagos.

Namataan lamang umano ang nasabing kahon ng security guard ng Philippine Ports Authority na si  Rogelio Figedero Jr.

Teorya ng pulisya, ang biktima ay pinaghinalaang  police asset o nagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad kaya ipinapatay ng sindikato ng iligal na droga.

ASIT

BABALA

BINONDO

DELPAN BRIDGE

HUWAG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

ROGELIO FIGEDERO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with