^

Police Metro

Helper inabangan ng kamatayan

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 24-anyos na helper ng junkshop nang ito ay saksakin ng dalawang beses sa dibdib ng kanyang kaaway paglabas nito kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Joseph Lucero, residente ng Building 27, Aroma Compound, Tondo. Habang ang suspek na tumakas ay kinilala sa alyas “Robin”.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:20 ng gabi sa Sitio Damayan, Tondo ay nakaalitan ng biktima ang suspek sa hindi pa malamang dahilan.

Hindi sukat akalain ng biktima na nagtanim ng galit ang suspek na inabangan ang kanyang paglabas.

Naglalakad ang biktima na may isang kasama nang salubungin ng saksak ng suspek at nang bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspek at hindi na ginalaw ang kasama ng una.

AROMA COMPOUND

BATAY

BIKTIMA

HABANG

JOSEPH LUCERO

MAYNILA

NAGLALAKAD

SITIO DAMAYAN

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with