^

Police Metro

Nagwawalang lasing binoga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatahimik ng bala ang isang nagwawalang lasing sa kalye nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Valenzuela General Hospital ay kinilalang si Agustin Palcunit, nasa hustong gulang, residente ng Family Compound, Karuhatan, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi nang mag-umpisang magwala at maghamon ng away ang lasing na si Palcunit sa kanilang lugar.

Lumapit ang hindi kilalang lalaki at pilit na umawat sa biktima ngunit nang hindi ito tumigil ang huli sa panggugulo ay nagbunot na ng baril ang una at pinaputukan.

Tikom ang bibig ng mga residente sa lugar sa takot na madamay sa krimen.

 

AGUSTIN PALCUNIT

BATAY

FAMILY COMPOUND

KARUHATAN

LUMAPIT

PALCUNIT

PINATAHIMIK

TIKOM

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with