3 sugatan... 2 ministro ng INC patay sa aksidente

MANILA, Philippines - Mistulang niyupi na parang lata ang isang sasakyan na sinasakyan ng limang ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) matapos na ito ay mahulog sa bangin na ikinasawi ng dalawa sa kanila naganap kamakalawa sa highway ng Brgy. Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Freddie Etak, 40; at Ariel Rizaldo, 42.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Jay Tubio, 33; Jun Bikog at isa pang hindi natukoy ang pangalan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay patungo sa Pigcawayan, North Cotabato galing Cotabato City  ang behikulong kulay berdeng Mitsubishi(LCV-332) na minamaneho ni Rizaldo.

Nag-overtake ang sasakyan ng mga biktima sa isang motorsiklo, subalit dahil sira ang mga kalsada ay kumanan ito at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin na may lalim na 30 metro.

 

Show comments