3 sundalo utas, 6 sugatan sa sumabog na landmine

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong sundalo habang anim pa ang malubhang nasugatan matapos na masabugan ng landmine ng mga rebeldeng New People’s Army sa Brgy. Bugtosan, Las Navas, Northern Samar.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina  Private First Classes Lino Mahinay; Jaype Yulas at Albert Abolencia.

Ang anim na nasu­gatan ay kinilalang sina 2nd Lt. Marco Abante; Cpl. Ronnie Balastas; Pfc Gerry Culaban; Pfc Danmar Ching; Pfc Marlon Urbano; at Pfc Buenaventura Raygon.

Sa ulat, bandang alas-11:20 ng umaga  sa nasabing lugar ay kasalukuyang nagsasagawa ng security operation ang mga sundalo nang pasabugan ng landmine ng mga rebeldeng NPA at kasunod nang pamamaril sa mga ito.

Nagkaroon ng 25 minutong putukan bago nagsitakas ang mga rebelde pabalik sa pinagkukutaan ng mga ito sa kabundukan.

Show comments