Turistang Canadian inutas sa kanyang condo

MANILA, Philippines - Sa loob mismo ng inuupahang condominium nasawi ang isang Canadian national matapos na saksakin sa likod ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Ang biktima ay kinilalang si Sean Philip, 30, turista at nanunuluyan sa 19G Seibu Tower, Global City ng lungsod.

Sa report, alas-10:45 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa  condomium.

Sinabi ng pulisya na bago nangyari ang krimen ay may naka-alitan umanong isang dating sundalo ang naturang  biktima.

Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan ang naturang pamamaslang sa umano’y pagkakaroon ng relasyon ng biktima sa isang babae na sinasabing da­ting kalive-in ng sundalo.

 Inalis din ng pulisya ang anggulong panloloob ang dahilan ng pamamaslang dahil kumpleto at wala isa mang nawala sa mga personal na gamit ng biktima sa loob ng kanyang tinutuluyang condo.

Wala ring palatandaan na puwersahang pinasok sa loob ng kanyang silid ang biktima kaya’t may teorya ang pulisya na kilala nito ang suspek.

Show comments