^

Police Metro

Principal dinukot ng 5 maskarado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang school principal ang dinukot ng limang armadong kalalakihan na nakamaskara na pinaghihinalaang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa eskuwelahan sa Sumisip, Basilan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:20 ng umaga nang dukutin ang biktima na si Benita Latonio, 60 sa Sitio Mompol, Brgy. Libug ng bayang ito.

Ang biktima na si Latonio ay principal sa Manggal Elementary School sa Brgy. Manggal ay kasalukuyang papasok sa kanilang eskuwelahan nang dukutin ng mga armadong lalaki na nakasuot ng bonnet.

Sinabi naman ni Basilan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza, ang mga bandido ay natukoy namang mga tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Juhaibel Alasirul alyas Abu/Kik ang mga suspek.

Walang nagawa ang principal matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin  ng mga bandido mula sa sinasakyan nitong kulay dilaw na Tamaraw (JVK 359) at tinangay patungo sa direksyon ng kagubatan.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER JUHAIBEL ALASIRUL

BASILAN

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

BENITA LATONIO

BRGY

MANGGAL ELEMENTARY SCHOOL

MARIO DAPILLOZA

SITIO MOMPOL

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with