Lumang alitang naungkat... Ate inatado ng utol

MANILA, Philippines - Inatado ng taga ang isang 47-anyos na ginang ng kanyang nakababatang kapatid matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Cararayan, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Rosario Lucena.

Ang suspek na tumakas ay  kapatid nito na si Manuel Lucena.

Batay sa ulat, bandang ala-1:20 ng madaling-araw ay nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang maungkat ang da­ting alitan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Galit na umalis ang suspek upang iwasan na lamang  ang biktima, subalit sinundan siya nito habang naglalakad at patuloy na tinata­lakan.

Tuluyang napundi ang suspek kaya’t pinagtataga nang sunud-sunod ang kapatid na siya nitong dagliang ikinamatay.

Show comments