Bumagsak sa ilog... Bata hulog sa tulay-bitin

MANILA, Philippines - Isang 10-anyos na batang babae ang nasawi matapos na mahulog sa tulay-bitin at bumulusok  sa ilog na naganap kamakalawa sa Brgy. Salaan, Zamboanga City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa  Mindanao Central Sanitarium Hospital ay kinilalang si Kimberly Mae Delgado.

Batay sa ulat, alas-12:28 ng tanghali nang maganap ang trahedya sa bisinidad ng Zone 4, Brgy. Salaan ng lungsod.

Bago ito, dakong alas-9:30 ng umaga nang magtungo ang bata sa tindahan ni Gng. Estelita Manuel sa nasabing barangay kung saan bumili ito ng kendi.

Nabatid na ang bata ay tumatawid lamang sa ‘hanging bridge’ pauwi sa kanilang bahay.

Matapos maglaro ay pauwi na sana ang bata na dumaan sa ‘hanging bridge’ nang biglang dumulas ang paa nito sa basa at putol na bahagi ng nasabing tulay bunsod upang bumulusok ito sa ilog.

Una ang mukha na bumagsak sa ilog at nawalan ng malay tao hanggang sa malunod sa ilog na bagaman nagawang saklolohan ng ilang naka­kitang residente ay nabigo ng maisalba ang buhay matapos na isugod sa pagamutan.

 

Show comments