Pinagbabaril habang nagbi-videoke... pamilya, 3 pinaslang

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang videoke house na ikinasawi isang mag-asawa, at kanilang anak habang kritikal ang isa pang anak  na naganap kamakalawa ng gabi sa Baungon, Bukidnon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Juan Magsalay, misis nitong si Rosita at anak na si Julius; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang ikinasawi ng mga ito.

Nasa kritikal namang kondisyon sa Northern Mindanao Medial Center ang 5-anyos na si Alvin Julius Magsalay.

Sa ulat, ang mga biktima ay nasa loob ng isang videoke house sa Brgy. Mabuhan Baungon, Bukidnon  nang biglang sumulpot ang mga salarin at agad na sila ay pinagbabaril.

Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa motibo nang pagpaslang sa pamilya.

Show comments