^

Police Metro

‘Herbert Bautista’ utas sa ambush

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki nang masalubong sa kalye ang isang lalaking kapangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Namatay noon din si Bautista, 25-anyos, residente ng Lino Type St., 4th Estate, Barangay San Dionisio ng naturang lungsod dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ang mga suspek na tumakas ay nakilala sa pangalang alias “RJ” at  alias “Davao”.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-10:50 ng gabi sa kanto ng Dr. A. Santos Avenue at 4th Estate ng naturang lungsod pinuntahan muna ng mga ito ang bahay ng biktima.

Dito ay nadatnan ng mga suspek ang ina ng biktima na si Delia Bautista at galit na galit na hinahanap ang kanyang anak.

Dahil sa wala ang biktima sa bahay ay uma­lis na ang mga suspek, subalit ilang minuto ang nakakalipas ay nakarinig ang ina ng mga putok ng baril.

Tinungo ng ina ang pinanggalingan ng mga putok at dito ay kanyang nakita ang anak na nakahandusay sa kalsada at wala nang buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

BARANGAY SAN DIONISIO

BAUTISTA

DELIA BAUTISTA

DR. A

LINO TYPE ST.

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

SANTOS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with