Pintor todas sa vendor
Ricky ­Tulipat (Pang-masa) - March 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Todas ang isang pintor makaraang pagsasaksakin ng isang vendor nang sila ay magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO2 Alvin Quisumbing, ang biktima na si Rodante Julian, 44, may-asawa ng  #2005 E. Rodriguez Sr., Block 5, Brgy. Damayan Lagi sa lungsod.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen ay kinilalang si Gary Agcaoli, 42, may-asawa, fish vendor na residente rin ng Brgy. Damayan.

 Sa imbestigasyon ni Quisumbing, nabatid na ang insidente ay naganap sa harap ng CHM hardware na matatagpuan sa Brgy. Damayang lagi, ganap na alas-3:00 ng madaling-araw.

Sinasabing nakitang nagtatalo ang biktima at suspek sa hindi pa mabatid na dahilan hanggang sa awatin sila ng isang Jeffrey John Yruma.

Pero hindi umano nagpaawat ang suspek sa halip ay binunot nito ang dalang patalim at saka sunud-sunod na inunda­yan ng saksak ang biktima.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima pero agad ding nalagutan ng hininga.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang ugat ng krimen na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon.

 Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya para madakip at makasuhan ang suspek sa krimen na ginawa.

 

ALVIN QUISUMBING BRGY DAMAYAN DAMAYAN LAGI GARY AGCAOLI JEFFREY JOHN YRUMA QUEZON CITY RODANTE JULIAN RODRIGUEZ SR.
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with