Hiling na piyansa ni Gloria muling ibinasura

MANILA, Philippines - Muling ibinasura sa ikalawang pagkakataon ng  Sandiganbayan ang petisyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpiyansa sa kasong pandarambong para pansamantalang makalaya.

Sa 12 pahinang desisyon ng Sandiganbayan First Division na  walang  merito ang request ni Gng. Arroyo kaya hindi pinahintulutan ang motion for reconsideration at supplemental motion to bail  na naisampa nito sa kanilang tanggapan.

Si Gng.  Arroyo ay nakasuhan ng plunder dahil maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2007 at 2010.
Sinasabing nagsampang muli ng petisyon ang kampo ni Arroyo na payagan itong makapagpiyansa dahil sa karamdaman ng mambabatas.

Magugunita na noong Nobyembre 2013 unang ibinasura ng Sandiganba­yan ang petisyon ng kampo ni Gng. Arroyo na kasalukuyang naka-hospital  arrest sa  Veterans Hospital.

 

Show comments