Lola, todas sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Todas ang isang Lola matapos masalpok ng isang rumaragasang motorsiklo, habang ang biktima ay papatawid sa kalsada sa Jose Abad Santos Avenue, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt Carlos Barde, hepe ng Dasmariñas police, ang biktima na si Juliana Galila, 75, may asawa, residente ng Brgy-Salawag ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang driver ng motorsiklo na nakilalang si Obed Arguelles, 37, binata residente ng Blk. 40 Lot 16, Mabuhay Homes 2000 Brgy. Salawag ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Manaig, may hawak ng kaso, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-4:00 ng hapon habang tumatawid ang biktima kasama ang anak nito ng suyurin ng motorsiklo na minamaneho ng suspek.

Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagkakasalpok habang nakaligtas naman ang anak  nito na hindi na tinukoy ang pangalan.

Naitakbo pa sa pagamutan ang matanda pero hindi na umabot ng buhay.

 

Show comments