^

Blackout protest sa Jan. 21 ikinasa

Angie dela Cruz (Pang-masa) - January 19, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ikinasa ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa darating na January 21, ang kanilang  “Blackout protest” bilang pambansang pagkondena ng mga mangagawa sa mataas  na singil sa kuryente na nais ipatupad ng Meralco.

Sa isang press conference kahapon sa QC, ipinanawagan ng KMU kasama ang Bayan Muna sa publiko na makiisa sa naturang protesta na gagawin sa Korte Suprema kasabay ng pagsasagawa ng pagdinig hinggil sa TRO na naipalabas kamakailan kaugnay ng power rate hike issue.

Hinikayat din ng KMU ang taumbayan na patayin ang kanilang mga ilaw sa naturang araw, alas-7:00 ng gabi bilang bahagi ng malawakang protest blackout para pigilan ang Meralco na maipatupad ang mataas na singil sa kuryente.

Binigyang diin ng KMU na dapat kumilos ang taumbayan sa usapin ng power rate hike bago ma-expire ang TRO  na ipinalabas  ng Korte Suprema noong December 23 at magtatapos makaraan ang 60 araw.

 

BAYAN MUNA BINIGYANG HINIKAYAT IKINASA KILUSANG MAYO UNO KMU KORTE SUPREMA MERALCO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with