Kelot pinatay na, sinunog pa

MANILA, Philippines - Halos mahigit sa tatlong buwan bago nadiskubre kamakalawa ng gabi ang ginawang krimen ng dalawang lalaki na pumatay at nagsunog pa sa isang lalaki matapos na magpa-blotter ang isang ginang na tinatakot ng mga ito dahil sa siya ang nakatuklas ng krimen  na ginawa sa Brgy.San Jose, Tagaytay City.

Ang biktima na halos sunog na ang katawan atnaaagnas na ay kinilalang si Joel Cariño, ng Quezon province at residente ng Purok 162, Brgy. San Jose, ng lungsod.

Naaresto naman ang isang suspek na si  Jason Temblor, 28 at kalugar ng biktima habang nakatakas ang isa pang suspek na si Abnier Erocido.

Sa ulat ng pu­lis­ya, dakong alas-8:30 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima sa sagingan ni Erocido nang ituro ng isang Carolita Libot Gonzales na una nang  nagpa-blotter hinggil sa pananakot ng una  dahil sa nalaman niyang krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon noong Oktubre 28 nang patayin ng mga suspek ang biktima at dinala ang bangkay nito sa sagingan at doon sinunog na kung saan ay nakita ng ginang ang pangyayari.

Nang puntahan ng pu­lisya ang lugar ay naabutan pa nila ang ilang bahagi ng katawan ng biktima na hindi natupok at suot nitong damit, itim na pantalon, t shirt at medyas.

Show comments