^

Police Metro

Gloria, dinalaw ni Erap at Isko sa VMMC

Doris Franche-Borja at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinalaw ni  dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor  Joseph Estrada kasama si Manila  Vice Mayor Isko Moreno ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City kahapon ng  hapon.

Ikinatuwa naman ng pamilyang Arroyo sa pagbisita ni Estrada sa kanya ngayon malapit na ang araw ng pasko.

“President Erap’s magnanimous gesture is the best evidence of the Biblical saying that ‘what ye sow, so shall ye reap,’” ani Arroyo.

Sinabi naman ni Vice Mayor Moreno, ang  ipinakita ni  Estrada ay indikasyon na nakapagpatawad na siya sa mga taong nagkasala sa kanya. Aniya, bihira lamang ang mga tao at opisyal ng pamahalaan na tunay na  tumulong at magpatawad.

Binalikan naman ni  Atty. Ferdinand Topacio ang pagbibigay ng pardon ni GMA kay Estrada na anya’y nagbigay dito ng kalayaan at pagkakataong makapagsilbi muli sa mamamayan bilang alkalde.

Pinapurihan din ni Topacio si Erap, sabay patutsada naman kay Pangulong Noynoy Aquino.

 

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

PAMPANGA REPRESENTATIVE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENT ERAP

QUEZON CITY

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with