2014 sasalubungin ng taas presyo sa bilihin

MANILA, Philippines - Dapat ng asahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pagpasok ng 2014, dahil sa mahigit na  P4 per kWh na dagdag sa singil sa kuryente.

Ito ang sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero dahil sa tinatawag na domino effect kaya’t dapat ng pumasok ang pamahalaan sa problema lalo  pa’t aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panibagong pagtaas na sisingilin ng Manila Electric Company (Meralco).

Ipinagtataka ni Escudero kung bakit pinayagan ang panibagong pagtaas gayong hindi pa naibabalik ang refund na dapat matanggap ng mga consumers ng Meralco.

“Nagtataka lamang ako, yung refund na dapat binalik sa ating consumers ng Meralco, hindi pa bayad tapos pinayagan na nila ito’ng pagtataas na ito. Bakit hindi nila tinimbang, sinukat at in-offset na lamang ‘yun, para naman ‘yung impact sa consumers ay hindi ganoon kalaki? Kung ‘yung rebate nga at refund, taon bago ibalik, ito parang minamadaling buwan lamang ‘yung pinayagan nilang hulog, bago ito balikatin ng consumer ay temporary lamang naman ‘yung increase, habang ang mga planta ay nire-rehabilitate o nagmi-maintainance sa mga panahong ito,” sabi ni Escudero.

Show comments