Erpat itinakas ang patay na anak sa morgue

MANILA, Philippines - Nagawang itakas ng isang ama ang kanyang patay na 2-anyos na anak sa morgue ng ospital sa Malabon City dahil sa walang pera na pantubos kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:43 ng madaling-araw nang itakas ni Marlon De Leon, 30,  ng Barangay  Longos ng lungsod ang bangkay ng anak   habang nakalagak sa morgue ng Pagamutan Lungsod ng Malabon (PLM) na kanyang isinugod doon dahil sa pagsusuka at pagtatae.

Humingi ng tulong sa pulisya ang pamunuan ng ospital hanggang sa matagpuan ng mga nagpapatrul­yang mga pulis-Maynila si De Leon na yakap-yakap ang bangkay ng anak sa labas ng gate ng Missionary Church sa Tayuman, Tondo, Manila.

Ayon kay De Leon na kaya niya nagawang itakas ang anak  ay dahil na rin sa kahirapan at lalaki ang gastos kapag isailalim sa otopsiya kaya’t dinala niya sa religious missionary church upang makahingi ng tulong.

Show comments